Mahal naming mga Magulang,
Taun-taon ay ipinagdiriwang ng mga Pilipinong mag-aaral ang Linggo ng Wika na ginaganap tuwing buwan ng Agosto. Ang aming paaralan ay naghanda ng isang Buwang pagdiriwang upang lalong makilala at maunawaan ng mga mag-aaral ang kultura, tradisyon at kaugalian ng mga Pilipino.
Ngayong Agosto ang Buwan ng Wika ay may temang MGA PALARO AT AWITING PINOY: ATING ALAMAIN AT PAGYAMANIN. Ito ay magsisimula sa ika-12 Agosto at magtatapos sa ika-30 ng Agosto 2013. Aming tatalakayin ang iba’t-ibang palaro at awiting Pilipino at ang mga kaugaliang Pilipino na maiuugnay ditto.
Sa ika-30 ng Agosto, Biyernes, sa ganap na ika 8:30-11:00 ng umaga ang mga mag-aaral na pang-umaga at mag-aaral sa pang-hapon ay magkakaroon ng isang maikling programa at pagtatanghal ng mga Awiting Pilipino na gaganapin sa paaralam.
MGA PAALALA SA MAGULANG (Para sa Agosto 30, 2013)
¨ Pagsuotin ang inyong mga anak ng mga kasuotang Pilipino (halimbawa: barong tagalog, baro’t saya, mga katutubong damit)
¨ Magdala ng mga Filipinong meryenda, (itatalaga ng guro) na nasasapat sa 3 tao lamang
¨ Ang lahat ng mga mag-aaral sa hapon ay inaanyayahan na dumalo sa umago (WALA NG PASOK ANG MGA MAG-AARAL SA HAPON).
¨ Ang gawaing ito ay para sa MAG-AARAL lamang. (Dahil sa hindi sapat ang espasyo, pinapaalala po naming na ang mga mag-aaral lamang ang pinahihintulutang pumasok sa silid-aralan. Ang mga larawan ng nasabing pagdiriwang ay ilalagay namin sa aming Facebook.)
Maraming Salamat sa inyong walang sawang pagsuporta sa mga programa ng ating eskwelahan.
Lubos na sumasa inyo,
MA. CHRISTINA G. JUAN
Punong-guro